For those of you who are looking for love and inspiration, here’s our list of the best Bob Ong love quotes to brighten up your day:
 
———-
 
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
 
———-
 
“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

———-
 
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
 
———-
 
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
 
———-
 
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
 
———-
 
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
 
———-
 
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
 
———-
 
 
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
 
———-
 
“Mahirap paaminin ang ayaw umamin. Pero madaling mapansin ang ayaw niyang aminin.”
 
———-
 
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
 
———-
 
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
 
———
 
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
 
———
 
“hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”
 
———-
 
“Kung dalawa ang mahal mo, piliing mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba… kung mahal mo talaga yung una.” 
Share your thoughts below: