In the diverse political landscape of Dasmariñas, Cavite, an alliance has been formed: F4. Neil Coleta, Tutuy Perez, Arnel del Rosario, and Vladimir Maliksi, four councilor candidates with shared advocacies, have united to bring their individual strengths to the city’s progress. While the “F4” moniker might evoke a fleeting image of the popular Taiwanese heartthrobs from the series “Meteor Garden,” its true meaning is “Forward 4,” aligning with Dasmariñas’s official tagline, “Onward, Forward.”

Photo courtesy of Dominic Rea

L-R: Tutuy Perez, Vladimir Maliksi, Arnel del Rosario, and Neil Coleta | Photo courtesy of Janiz Navida
“Dahil apat din kami, magkakaibang pinanggalingan, magkakaibang ideology pero iisang prinsipyo para makatulong at para mapalawak pa namin ang lugar namin. Alam namin na progresibo na ang lugar namin pero alam naman na meron kaming individuality para mas makatulong,” explained Perez. Coleta further emphasized their shared purpose, “Lahat naman kami as councilors, iisa lang ang layunin — tumulong sa tao, maging public servants, at magsilbi sa mga tao.”


Neil Coleta: From showbiz to public service

Neil Coleta, known for his role in “Batang Quiapo,” is venturing into politics. “Ang recently ko naging show ay Batang Quiapo. And then, right now, medyo naiba lang ng mundo ngayon, hindi naman tayo pinatay sa Batang Quiapo. Kaya ngayon, actually, this is the first time na tatakbo ako as a city councilor sa lungsod ng Dasmariñas, kasama ko ang F4, ang grupo namin.”

He addressed concerns about his transition, clarifying, “And showbiz nandiyan pa rin naman. Kasi maraming nagtanong, ‘Ah, kaya nag-pulitika to kasi, wala nang trabaho sa ABS. Showbiz, ang bagsak, pulitika. Sabi ko naman, ’It’s not fallback ang pulitika. It’s giving back.’” Coleta recounted his experiences witnessing politicians’ work, saying, “Sa dami rin ng mga naexperience ko sa buong Pilipinas. May mga pinupuntahan ako na mga politician, na in-invite ako sa show para mag-perform, samahan yung politiko, and then sabihin ko mga advocacy ko, mga ginagawa ko as an influencer, as an actor.” This inspired him to serve his own community: “Ngayon naman, sabi ko nga, ba’t di gusto gawin sa sarili kong bayan, sa sarili kong kinalakihan. So, that’s why ito ngayon, panahong ito, in God’s perfect timing, parang sabi nga nila, at yun din yung sabi ko, this is calling. Kaya ito, sabi ko, pumasok ako sa pulitika.”
Acknowledging his inexperience, he stated, “Bilang baguhan, mahirap, sabi ko, may sipag at tiyaga. Naniniwala rin ako sa Panginoon, kung papalarin. Basta again, tuloy pa rin ang trabaho natin sa ABS. Open pa rin naman ako. So kung ano naman yung maging resulta dito sa kampanyang ito, makakabalik pa naman tayo sa Batang Quiapo. Nagpaalam naman ako kay Coco, eh.”
When asked why he decided to run for councilor directly instead of starting at a lower position, he replied, “Actually, pinaparun ako before as kagawad ng barangay or kapitan. Kasi before, sabi ko, sa sobrang hectic ng schedule sa industry ko, sa trabaho ko, ang hirap icommit ng sarili ko sa isang bagay na hindi ako ready. Eh di parang magmumukha lang akong tanga. Kaya dito, as a councilor, more on ordinance. Alam ko naman bilang baguhan sa pulitika, marami pa akong kailangan aralin. Pero ito na, ito na ‘yung pinaramdam sa akin ng Panginoon. This is the moment. ‘Di ko rin naman kaya mag-mayor, mag-vice mayor, mag-congressman. Doon muna ako sa mas mababa.” He also admits to lacking political background, saying, “More on advocacy ko sa sarili ko pero sa pulitika, wala pa. First time pa lang.”
Coleta emphasizes his faith as a driving force: “Again, ‘yun nga kasi, calling sa’kin ng Panginoon. Parang ito ‘yung pinaramdam sa ‘kin, ‘Ready ka.’ Ang dami ko nang gustong gampanan, ang dami ko nang navivisualize sa sarili ko, ang dami kong gustong bigyan ng tulong, bigyan ng boses. Ito na, this is the moment. Kung. hindi ako ready ngayon, hindi ko itutuloy ito. Sa laki ng barangay namin, napakahirap, alam naman namin ‘yun bilang tumatakbong councilors as F4. Ang hirap ng ginagampanan namin kasi hindi namin alam anong uunahin namin sa laki ng barangay namin, sa laki ng lungsod ng Dasmariñas. Hindi naman masamang sumubok, hindi naman masamang makipagsapalaran. Kung papalarin ka ng Panginoon, ibibigay sa’yo.”
His 15 years in showbiz have instilled a strong work ethic. “Well, noon pa naman, nagtitinda ako ng bangus. Before naman, kapag meron tayong malaki-laking kita sa showbiz, tumutulong naman tayo sa charities. This time, bilang pagtakbo ko naman, mas tutulungan ko ang sarili kong bayan. Although nagbibigay naman tayo ng suporta sa iba, feeling ko mas maraming boses, maraming kailangan pang mabigyan ng boses dito. Ito ‘yung gusto namin magampanan.”
Tutuy Caraig Perez: Advocacy through sports

Tutuy Caraig Perez brings a blend of education and community involvement to the F4 slate. “Like si Neil po, part po kami ng F4. Kami po ay kandidato sa Dasmariñas City, Cavite. Ako po ay graduate ng AB Political Science sa De La Salle University – Dasmariñas. Ako rin po ay certified paralegal mula sa University of the Philippines (UP) Diliman. Currently, nagtatapos po ako ng master’s [degree] sa Sustainable Leadership and Governance.”

Perez has a decade of experience with his NGO, Ballers of Dasmariñas: “Meron din po akong NGO, it’s 10 years na po. It’s a sports organization that we call Ballers of Dasmariñas. Grupo po ito ng basketball players from all ages sa Dasmariñas. Currently kami po ang recognized and accredited partner ng provincial government ng Cavite when it comes to basketball and volleyball tournaments. Ito pong aming organization, ang primary [goal] po nito is tumulong po sa mga kagaya rin po naming mga basketball players especially ang mga batang pasibol.”
His organization focuses on discovering and nurturing talent: “Kami po ay dumi-discover ng mga talents, not only from Dasmariñas but also in Cavite. Kami po’y nagtuturo nang libre sa community po namin, doon kami nag-start. Kami rin po nag-po-provide ng mga players sa mga eskwelahan like dito po sa Manila. Meron na po kami naprovide na players sa La Salle, sa Ateneo, sa UE. ‘Yung mga ganun po. Ang benefit nito, ‘yung mga bata po from simple cities like Dasmariñas from Cavite, nakakapag-aral sila nang libre at may opportunity sila makapag-aral sa prestigious schools.”
Ballers of Dasmariñas also engages in community outreach: “Ang organization din po namin, tumutulong din po sa community using the platform of basketball. Nagkoconduct kami ng mga game for a cause wherein yung proceeds po nito, ito din yung itinutulong namin sa mga batang may sakit, medical assistance during calamity, nagpo-provide kami ng relief goods, and then nagpo-provide din po kami ng school supplies. Yearly po yan since 2014.”
Perez’s professional background includes working as a paralegal for major companies: “Sa private naman po, before ako mag-file candidacy, I worked as a paralegal sa Meralco, Smart Communication and currently nasa Regis Telecoms ako as a permits and right of way manager. Ito ang mga nakikipag-usap din po sa LGU. Almost ganun din naman po yung trabaho.”
Arnel Del Rosario: Faith-based public service and livelihood

Arnel Del Rosario brings a unique perspective rooted in his faith and entrepreneurial experience. “Magandang po, ako po si Brother Arnel Rosario. Currently ako po ay may private school, walong branches po, pito sa Cavite atsaka isa sa BGC (Bonifacio Global City, Taguig). Ako ay may isang asawa at apat na anak. Ako po ay Born Again Christian. At sa kasalukuyan po ako rin ay co-transport cooperative Chairman and President and Chief Chaplain po.”

His decision to run is driven by a desire to extend his service. “Before ako nag-file, I prayed for this election. I also prayed para sa grupo na ito. Sabi ko sana magkasama-sama kami since pare-pareho kaming independent. And naniniwala ako ‘pag sama-sama kami ay mas malakas ng puwersa. Iba ‘yung kanya-kanya naming strength. Given na may kanya-kanya namang weaknesses but we will focus on our strengths.”
About why he filed for office he said “Bakit po ako nag-file? Tulad din ng ginagawa namin noong pandemic, panahon ng lockdown, marami rin po tayong tinutulungan dahil ako po ay lumaki at nag-aral sa kung tawagin ay batang area. Doon po kami sa relocation site. Nakita ko paano ang hirap talaga ng mga kababayan natin. Actually hindi lang naman sa Dasmariñas. At ano ang magagawa ko paraan para matutungan sila? Importante po kasi nakikita natin at naramdaman natin kung ano ‘yung maexperience ang hirap ng buhay. Kung paano po nagawa ng Lord sa akin na ako po ay Doctor of Education na. Naniniwala po kasi ako na kung paano ako nabless ng Panginoon, kaya rin mabless ang mga taong may mabuting puso.”
He also stated “Tulad po ng aking kasama, ‘yung Ahon Mahirap partylist. Naniniwala po ako na ‘yung Ahon Mahirap, napakaganda rin po ng adbokasiya niya. Salamat din at siya ‘yung napunta sa akin na partylist. Kasi pareho kami ng adbokasiya. Kung paano po binless ako na magkaroon ng private school sa Cavite at as Taguig, sa BGC, naniwala ko na kaya din gawin ng Panginoong Diyos sa buhay ng bawat is basta mabuti ang puso. Every day, nananalangin ako, ‘Lord, ano ‘yung pinapagawa mo sa ‘kin ngayon? Ano ang purpose ko?’”
“Tuwing magigising ako, inaalam ko, ‘Lord, ano pa ‘yung purpose na pinapaagawa mo sa akin? Doon ako sa point ng buhay ko na I always see it as a purpose na ano pang magagawa ko para sa Kanya?,” del Rosario shared. He continued, “At paano pa po ba ako makakatulong? Naniniwala ko na ‘yung livelihood programs na nagbibigay po ng starter kit ang AHON, ganoon din po ako. Gusto kong maturuan silang maghanapbuhay, maging stable ang pangkabuhayan. Hindi na kailangan pang humingi sa mga pulitiko ng pampaaral, pang-ospital, o kung ano pang mga kailangan.”
Del Rosario said that more than dole-outs, it is important to teach people how to earn a living. “Turuan silang mangisda. So siguro ang starter kit ibibigay mo lang yan as a start. Pwede mong bigyan ng isda sa simula pero later on dapat matuto silang mangisda.”
He also shared how he prefers to be called a public servant over politician. “Gusto ko pong ang tawag sa akin ay public servant. Ayoko pong matawag na pulitiko. Kasi mas maganda po na public servant kasi ngayon kasi hindi ako nag-eexpect ng anything na pakinabang ko sa pagtakbong ito. More on ang heart ko po ay makatulong. Kahit ang allowance ko sa Council, pwede ko pa rin siya itulong,” del Rosario said.
“Naniwala ako na pagdating sa trabaho, oportunidad, at pangkabuhayan, naniwala ako na yan ang talagang kailangan ng mga kababayan. And of course sinabi nga ng mga kasama ko, ito ang heart namin talaga. Gusto namin na committee na makakapagpasa kami ng mga ordinansa na patungkol dito sa mga programa at advocacy namin na makakatulong sa mga kababayan namin sa Dasmariñas,” he ended.
Vladimir Maliksi: Family legacy and mental health advocacy

Vladimir Maliksi, a long-serving kagawad and son of former Governor Ayong Maliksi, seeks to continue his family’s legacy of service. “Seventeen years po akong kagawad hanggang sa ngayon. Ako po ay anak ni Gov. Ayong Maliksi. Tito ko rin po si Mayor Jaime Fresnedi ng Muntinlupa. Isa lang naman po ‘yung sa ‘min. Gusto ko lang po maipagpatuloy ang nasimulan ng aking mga magulang. Mag-serbisyong Maliksi sa buong Dasmariñas at isinusulong ko rin po ang mental health.”

Maliksi is passionate about addressing the lack of mental health programs in Dasmariñas. “Kasi sa Dasmariñas po, walang mental health [programs]. ‘Yung iba ho, hindi nila naiintindihan ang psychiatric problems ng bawat isa. Bakit may nagpapamatay, bakit may nagsusuicide? Ang asawa ko rin po kasi may anxiety rin kaya isa ‘yun sa gusto kong isulong sa lungsod ng Dasmariñas.”
F4 brings a diverse set of skills and experiences to the table, uniting for the common goal of serving the people of Dasmariñas.
WATCH: