READ: Vice Ganda’s Hugot-Filled Spoken Poetry Piece at His ‘Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta’ Concert
During Vice Ganda’s presscon weeks ago, the phenomenal host-performer said that he’s offering something new in his Valentine’s Day concert entitled Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Araneta. Aside from the usual standup comedy and production numbers, Vice Ganda revealed that spoken word poetry is included in his lineup. Last night, in a dramatic setting set by gloomy background music during the concert, Vice Ganda let out a hugot-filled piece that seemed to make a statement and stunned the audience.
What looked like a typical spoken word performance complete with voice inflections made a lasting mark because the content seemed to tackle Vice Ganda’s unspoken private lovelife. The word play left us thinking. Vice Ganda breaking down in the end left us feeling broken for him.
If you followed his celebrity life through the years, you will be able to connect the dots.
READ the transcript here:
Meron bang nagmahal na ‘di nasaktan?
Puwede ba ‘yun? ‘Yung magmahal na ‘di nasasaktan?
Puwede bang magmahal nang walang sakit?
Puwede bang okay na tayo, wala nang bakit?
Puwede bang start lang walang end?
Kung kaya pa natin, baka naman puwede pang i-extend?
Puwede bang true lang, walang fake?
Puwede bang heart lang, walang break?
Puwede bang magpakatanga kahit sa huling saglit?
Puwede bang tayo, tayo na lang ulit?
Puwede bang ang sagot sa lahat ng tinanong ko ay oo?
Pero ‘di ba hindi? At ‘yun ang masakit.
Masakit… Masakit…
Masakit ba ‘yung sakit o masarap?
Ayaw ba talaga natin masaktan?
Kasi kung ayaw natin bakit kahit alam na natin na masakit,
paulit-ulit pa rin nating binabalikan?
At dahil paulit-ulit, pati ‘yung sakit nakasanayan…
At hinanap-hanap na lang ng katawan…
Nasasaktan ba talaga tayo o nasasarapan?
Masakit ba ‘yung sakit o masarap?
Mukhang mahirap ‘yung tanong ko kaya ni isa sa inyo walang kumurap
At hindi nakaisip ng sagot sa isang iglap
Kaya kakausapin ko na lang ‘yung sarili ko,
Tutal ako naman ang nakaisip ng tanong na ito
Masakit ba ‘yung sakit o masarap?
Alam kong wala ka dito ngayon
Pero gusto kong malaman mo at makarating sa’yo
Lahat ng sasabihin ko
Pero sigurado naman akong makakarating sa’yo
Sa dami ba naman ngayong chismosa’t chismoso
At gusto kong malaman mo na masakit…
Masakit…
Masakit ‘yung sakit…
Sobrang sakit.
Hindi ko mawari ‘yung sakit.
Sobrang sakit. Pero masarap.
Alam mo kung bakit?
Kasi ikaw ang nagbigay sa’kin ng ganitong pakiramdam
Kaya kahit paulit-ulit, ikaw lang ang bibigyan ko ng karapatan
Na sa akin ay manakit
Dahil mahal kita
Mahal kita habambuhay at hindi lang isang saglit
Oo, mahal kita… Mahal kita… Mahal na mahal kita
Kahit tayo lang ang nakakaalam
Dahil natatakot ka, natatakot ako
Natatakot tayong dalawa na parehong mahusgahan
Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita
Dito sa mundo nating parang kulungan
Isang bartolinang masikip, madilim
At ang “mahal mo ako” ay puwede mo lang ibulong sa katahimikan
At tayong dalawa lang ang nagkakarinigan
Mahal kita, mahal kita, mahal na mahal kita
At alam kong mahal mo ako
Kahit tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan
Mahal kita, ‘t*ngina nila, mahal kita
Kahit sa dulo nito alam kong wala tayong laban
Sa bawat pelikula ko, sa bawat palabas ko
Gusto sana natin magkasama tayong dalawa sa siksikan
Sa bawat laro mo, sa bawat three points mo
Gusto ko sana nandun ako para manguna ‘ko sa palakpakan
At gusto kong isigaw na, “P*tang ina, dyowa ko ‘yan!”
Pero hindi natin magawa kasi natatakot tayong parehong mapag-usapan
Kaya kahit pareho tayong tagumpay, pareho tayong nananatiling talunan
Ang sakit, ang sakit, ang sakit, sobrang sakit
Sobrang sakit, hindi ko maintindihan ‘yung sakit
Hindi n’yo alam ‘yung sakit..
Pero pagkatapos ng tilian ng mga tao,
Pagkatapos ng tunog ng silbato,
Pagkatapos mong punasan at patuyuin lahat ng pawis mo
At bago ka umuwi ng bahay n’yo, ako pa rin ang tatawagan mo
Para tanungin kung napanood ko ‘yung crossover mo
At ‘yun ang masarap, ‘yun ang masarap
‘Yun ang masarap, para akong baliw
Para akong tanga
Makita ko pa lang ‘yung pangalan mo sa telepono,
Para na’kong nasa ulap
‘Pag narinig ko na ‘yung boses mo
‘Pag sinagot ko ‘yung tawag mo
Para na’kong nasa alapaap
Para na’kong nababaliw
Kasi ang sarap, ang sarap, sobrang sarap
Ang sarap pero ang hirap
Ang sarap pero ang saklap
Masakit pero masarap
Masarap kasi sa loob ng mundo natin, sa loob ng mundo natin
Kahit nakakulong tayo, masaya naman tayo eh
Nagtatawanan, naghaharutan, nagkikilitian hanggang sa magkapikunan
At pagkatapos ay magbabati na naman
Pero bakit paglabas ng mundong ‘yun
Hindi na tayo puwedeng mag-usap,
Hindi tayo puwedeng magpansinan,
Hindi tayo puwedeng maghawakan,
Hindi tayo puwedeng magtitigan,
Hindi tayo puwedeng maglapitan
Hindi puwede, ang lungkot naman
Ang lungkut-lungkot naman
Ang sakit naman
Mas malaya pa tayo ‘dun sa loob ng kulungan
Ilang taon din natin ‘yang tiniis
‘Yung nagtatago na parang mga gago
Na parang mga aswang na nakakubli sa isang silid na parang sementeryo
At tayong dalawa lang ang tao
Na parang mga adik na natatakot matukhang anumang segundo
Na parang mga kriminal
Natatakot mahatulan ng mapanghusgang lipunan
Na ang tanging pamantayan ay hindi puwedeng tayo, dapat sa babae ka lang
Dahil bakla lang ako, p*tang ina namang mundo ito
Ano bang problema n’yo?
Ano bang kasalanan ko?
Hanggang sa isang araw, sa sobrang takot
Ay nagkasundo na lang na huwag nang manlaban
Dahil pagod na tayo
Pareho na tayong duguan
Kaya nag-usap tayo na sumuko na lang
Masakit, sobrang sakit
Hindi n’yo alam kung gaano kasakit
Hindi n’yo mauunawaan kung gaano kasakit
‘Pag naaalala ko para akong mamamatay sa sakit
Namamanhid ‘yung buong katawan ko sa sakit
Hindi ako makakilos sa sakit
Wala akong maramdaman sa sakit
Ang sakit-sakit
Pero masarap kasi hanggang sa huli
Hanggang sa pagsuko natin, magkahawak tayo nang mahigpit
At dumating na ‘yung oras na sabay tayong hahatulan
At ang pinataw sa atin, pinakamabigat na parusa —
Kalayaan
Kalayaang palayain mo ako
(inaudible)
Kailangang palayain mo ‘ko o
Kailangang palayain kita
Hindi puwedeng lumingon
Hindi puwedeng sumulyap
Hindi puwedeng umiyak
Diretso lang ang lakad
Papalayo sa isa’t isa
Hanggang sa hindi na natin makita
Kung saan tayo napunta
Ang sakit, sobrang sakit
Halos ikamatay ko ‘yung sakit
Pero masarap
Ang sakit-sakit pero masarap
Dahil hanggang sa huling sandali,
Kahit masakit,
Tinawag mo akong Juliet.