Vice Ganda performs empowering spoken word number for his birthday and It’s Showtime’s GMA Network airing
As expected, the phenomenal multislashie Vice Ganda, captured the audience’s attention with a heartfelt spoken word performance during his grand birthday celebration on the premiere of “It’s Showtime” on GMA Network, April 6th. His powerful words resonated with viewers, emphasizing unwavering determination and the pursuit of dreams no matter who you are.
Vice’s spoken word piece centered on the themes of dreams, wins, and losses – the raw ingredients of life.
Here’s the full transcript:
“I am Vice Ganda, a dreamer, a fighter, a winner. Isang batang baklang nanggaling sa isang payak at makulay na barangay sa Maynila. Sinong makapagsasabing aabot ako sa kinatatayuan ko ngayon? Isang pambihirang posisyon. Paano ba ako napunta dito?Simple lang ang sagot ko. Nandidito ako dahil nangarap ako. Kumilos ako. Nanalig ako. Natalo. Nanalo. Natalo. At muling nanalo.
“At masakit man sa kalooban ng ilan, hanggang ngayon nananalo pa rin ako. Bwak bwak bwak bwak bwak bwak. At habang nagtatagumpay ako ay patuloy pa rin akong nangangarap. Kailangan natin mabuhay sa pangarap at sa hindi sa panaginip. Ang panaginip ay mawawala at maaaring malimot sa huling paggising ng iyong diwa. Pero ang pangarap ay mananatiling buhay at nagsasalita.
“Tulog ka man o gising, araw man o gabi, ‘di na uupos hanggat patuloy kang naniniwala. Hindi magiging madali ang haharapin nating buhay at lalong hindi magiging madali ang pagkamit ng tagumpay. May makikilala kang mga taong tutulungan ka dahil totoong nagmamahal at naniniwala sa’yo. May mga tao ring tutulungan ka dahil sa dulo ay may pakay pala sa’yo.
“May mga taong sa simula ay gusto kang. magtagumpay pero ‘pag nahigitan mo sila, ituturing ka nang kaaway. Ngunit dahil sa determinasyon at lakas ng loob, magtatagumpay ka. At kung kaya ko, kaya mo. Kaya kung isa kang baklang nakatulala at nag-iisip kung anong gagawin mo sa lipunang siyang tulad mo ay mapanghusga at mapangngutya, tumindig ka at huwag kang mahiya. Ipakita mo ang husay mo. Pakapalin mo ang tapang at apog mo.
“Habang pinapakapal mo ang kolorete sa mukha mo, pagandahin mo nang pagandahin ang buhay mo. Huwag kang titigil hanggat ‘di dumarating ang araw na lahat ng ‘di tumanggap at nagmahal sa’yo ay nangangarap na ng kahit katiting na pagtingin mo. At ‘pag nangyari ‘yan, gumanti ka. Pero hindi galit ang ibabalik mo sa kanila kundi pag-ibig na dumadaloy sa puso mong ‘singganda ng bahaghari.
At kung ngayon dumaranas ka ng hirap sa buhay, makinig ka. Habang kumakalam ang sikmura mo, magalit ka. Hindi sa sarili mo kundi sa sitwasyon mo. Isumpa mo ang gutom at isumpa mong kikilos ka, babangon ka hanggang makatakas ka at makalaya ka sa kahirapang kung saan ngayon ay nakakulong ka. Huwag kang papayag, kailangan mong pumalag! Huwag mong isiping hanggang diyan ka na lang. May naghihintay sa’yong paraiso kung kikilos ka lang. Kaya mo pa, may oras pa.
“Sa pagkamit mo ng tagumpay mo, maraming haharang sa’yo, hihila sa’yo, aabala sa’yo, gagambala sa’yo, at babato sa’yo upang huminto ka at ‘di tumuloy ang usad mo.
“Ipunin mo ang bawat batong ipinupukol sa iyo at gawing pundasyon sa itinatayo mong palasyo.
“Ito ang tandaan mo, isinilang ka para maranasan ang lahat at kasama doon ang manalo.
“Napatunayan ko ‘yan sa paglalakbay mula sa aming lugar hanggang sa comedy bar hanggang sa tawagin akong Asia’s Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar.”
The recent partnership between “It’s Showtime” and GMA Network Studios was a pivotal moment, celebrated just last month and based on the historic opening on national TV, Vice Ganda took centerstage as one of the show’s main hosts and icons.
Vice expressed heartfelt gratitude on Saturday, stating “We are so grateful for GMA’s warm reception, and to all our Kapuso supporters for embracing us.”
Now, audiences can enjoy “It’s Showtime” on multiple platforms including GMA, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GTV, and A2Z channel.