Talented character actor Ping Medina aired his feisty and angry sentiments on his owned Facebook account (posted on November 26, 2016) versus his co-actor Baron Geisler. The former claims Baron appeared on set intoxicated from alcohol while they were filming a particular scene for a movie and Baron did something uncalled for — to the shock of Ping, Baron peed on him.
As of today (8:00 am, Nov. 27), Ping’s post garnered more than 146,000+ likes, 36,000+ shared, and 6,900 comments.
Read Ping’s full narration below:
Sa totoo lang, nung dumating ako sa location natin sa Subic, ito ang una kong naisip nun nakita kitang nakaupo sa couch: aba walang hawak na alak. Kalmado ang aura at mukhang hindi nakainom.
Sabi mo, five days ka na sober. Dahil nasa ICU ang nanay mo at ang request niya ay wag maamoy ang hininga mo na amoy alak. At pag dating ng shooting natin bukas, nag promise ka kay direk Arlyn, hindi ka iinom sa set.
Naisip ko, wow, change is coming. First time ko makausap si Baron nang hindi lasing. Kahit mabagal magsalita, naisip ko, kung ano man tinitira nito mas okay na to, kasi kalmado lang siya at may sense kausap.
Imbis na alak, turmeric tea ang hawak mo.
Limang oras tayo nagusap. Sa totoo lang, matino ang usapan natin sa balcony. Kahit puro sarili mo lang ang pinaguusapan natin, nag enjoy naman ako sa pagbigay ng advice.
Gusto mo na bumalik sa ABS at mag set ng meeting with madame Cory Vidanes no less. Sabi ko, go! Pero one time big time card yan. Pag nagloko ka, tapos ka na. Gusto mo rin itry sa GMA. Sabi ko pwede ko kausapin si sir Jake Tordecillas.
Pero aaminin ko, halos nalimutan ko na kung gaano ka ka-selfish. Kahit iibahin ko ang topic, like the recent MMFF controversy, somehow you always find a way to make the conversation about you. Na remind ako na nakakairita pa rin siya. Pero sige, pagbigyan ko na to.
Nakinig ako sayo.
Kinausap kita bilang kaibigan.
Gusto talaga kita tulungan.Sabi mo matutulog ka na so naiwan muna ako sa balcony. So naiwan muna ako dun at nag laro ng app games para antukin.
Pero 10 minutes later bumalik ka, sabi mo di ka makatulog. Umutang ka pa ng 200 sakin, sabi mo pambili ng pagkain kasi gutom ka na. Sino bibili e 4am na? Sabi mo si Nina na. Yung sabi mong family friend/companion/chorva/whatever mo. Kawawa pa siya kasi nakahiga na ang tao at parang ginising mo pa.
Pag balik ni Nina, nakasimangot siya. Dahil ang inabot niya sayo? Apat na beer.
Nag sorry ka pa sakin kasi you feel bad na nagsinungaling ka sakin. Sabi ko, okay lang uminom dito, wag lang sa set.
Napaisip ako, may halo kaya iniinom nitong “turmeric tea”? Tinanggap ko ang inalok mong isang beer, at sabi ko inaantok na ako. Eexit nako bago pako tuluyang mairita sayo.
The next day, gabi pa ang mga eksena ko. Nadatnan kita sa set na medyo mabagal pa rin ang salita. At yun nga: may hawak kang beer. O akala ko ba hindi ka iinom?
Iniwasan na muna kita. Pero kinulit mo ako nag mag lines, sige tara. Mahahaba ang lines ko. Kailangan rehearse.
Pero habang nagrerehearse tayo ay unti unti nabuo ang irita ko sayo. Namumula ka na. Kilalang kilala pag lasing ka na. Hindi mo ma memorize ang kapiranggot mong lines. Kaya puro adlib bullshit ang ginawa mo na mali mali, tapos sa haba ng lines ko e naiirita nako dahil distracting yung mga ginagawa mo.
After three tries, sabi ko okay nako. Sabi mo isa pa. Sabi ko, let’s not overthink the scene. Nakita ko sa mukha mo na na-offend ka sa pagtanggi ko.
Ginawa natin ang eksena at natural, nilamon kita. Dahil magaling ako na artista. Magaling ka rin naman, pero lasing ka. Kasalanan ko ba yun?
Pagkatapos nun ay nalaman ko sa staff na nagtatanong ka pala sa kanila kung “si Ping ba ang bida dito?”
Obviously, di ka nagbasa ng script. Pero direk and I tried to pacify you. Tinawag ka pa ni direk na bida contrabida. At ako sinakyan ko na lang. Dahil lasing ka na at gusto ko na lang tapusin ang gabi.
Ito na yung mabigat na eksena: ang opening sequence ng pelikula kung saan ang chracter ko na informant ay dadalhin ng 3 pulis sa loob ng isang cargo crate. Babalutin ako ng packaging tape hanggang sa mag suffocate ako, sa style ng recent EJK killings.
Ang gagawin mo lang dapat ito: papasok ka sa huli ng eksena, tatanggalin ang tape sa bibig ko, to silently listen to me beg for my life, tapos aalis ka na para iwanan ako sa 3 goons mo. Simple lang diba?
Nakagapos na ang mga kamay at paa ko. Nakaikot ang tape sa bibig ko para di makasigaw. Literal na hindi ako makagalaw. Naka prepare nako emotionally dahil papatayin nako dito. Right before mag take dun may narinig akong sinabi ka:
“May gagawin ako sayo Ping ah. Sana wag ka magalit.”
Naisip ko, tangina mukhang duduraan ako ni Baron si mukha, kasi nasa kanya ang closeup. E naka tape na bibig ko, paano?
Nag action na. Andun nako sa eksena. Nakatali ako at literal binubuhat nila ako na parang suman dahil di talaga ako makagalaw. Sumisigaw ako at pumipiglas, kasi nga papatayin nako.
Nung hinagis ako ng 3 pulis sa sahig, pumasok na si tarantado. Tumayo siya sa tabi ko, hovering over me.
Habang umiiyak ako, nagmamakaawa, di makagalaw dahil naka packaging tape ang kamay at paa, at parang napansin ko: binubuksan ba ni Baron ang zipper niya?
Siguro dahil ang lalim ko na sa eksena. Umiiyak ako at may mga luha ang mga mata ko kaya di ko makita ng mabuti.
In fairness, wala rin naman masyado makikita. Iniisip ko, baka daliri lang niya yun. Mukhang pinky finger? Kamukha at kasing hugis ng lumang chips na Cornetto. (Totoo ata ang chismis)
Pero tangina!!! Gagawin ba niya talaga ang gagawin niya???
Napakabilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na may bumabasa sa dibdib ko. Medyo mainit at may amoy.
Unti unti ko na realize na putangina, ginagawa niya talaga to.
Umagos ito. Basang basa ang shirt ko. Umagos ito hanggang sa bibig ko. Buti may nakatakip na tape.
One take lang dapat ang eksena: so sinubukan ko mag stay in character. Pero at the same time nawawala na ako sa character.
Umiiwas na ako sa agos ng ihi, pero di ako makagalaw. Dapat nagmamakaawa ako eksena, pero ang nasasabi ko: putangina ka! Putangina ka! Putangina ka!
Sabi ko, dahil professional ako, sige taapusin ko na ang eksena. Pero putangina mo yari ka sakin.
Cut! Pasukan sila direk at si mokong. Nung tinanggal ang tape sa bibig ko, ang una kong nasabi, putangina mo hayuo ka.
Pero sinigurado ko muna: totoong ihi ba yun?
Sabi ni tarantado: hindi, hindi totoo yun.
Sabi ko: totoong ihi ba yun???
Tinignan ko ang mga kasama ko na tatlong pulis. Tahimik sila, at mukhang nalugi. Nakita ko ang totoong sagot sa mga mukha nila.
At this point, nagumpisa na ang paginit ng kamay ko. Sinubukan kong i-control with controlled breathing. Pinalabas ni direk si gago sa cargo container.
Sinusubukan ko talagang hindi pumutok. Pero di ko alam, isang beses lang nagdilim ang paningin ko sa buong buhay ko.
Dalawa lang yun:
Susuntukin ko yung cargo container na gawa sa bakal.
O BABASAGIN KO YUNG MUKHA MO.
Hindi ko na rin pinagisipan masyado. Sinundan ko na lang ang instincts ko. At bigla na lang nangyari na hindi ko namamalayan.
BAM! Sinuntok ko ang pader na bakal.
BAM! Sinipa ko yung kabila.
Pero dahil sa sobrang galit ko, naglakad ako ng mabilis, at sa sobrang bigat ng energy ko, nahati sa gitna ang mga tao nung palabas ako.
Dumerecho ako sa kanya. BINABASTOS MO AKO???
Hinahamon ko siya ng suntukan.
Sinampal ko siya.
ANO??? ANO??? ANO???Pero nakita ko na hindi siya lalaban. Wala akong interes na bumugbog sa walang kalaban laban.
Dahil alam ko, kapag nabigyan na kita ng isa, mageenjoy na ako. At hindi ko na alam ang magagawa ko sayo. Malamang something na pagsisisihan ko. Yung tubo sa gilid, muntik ko na damputin. Kaya naglakad ng lang ako palayo.
Ang tanong ko ngayon sa inyo: ito ba ang klase ng tao na gusto niyo makatrabaho?
Binigyan natin ng benefit of the doubt. Binigyan natin ng second, third, fourth, fifth… 1 millionth chance.
Sa akin simple lang ito:
Baron, tangina mo. Hindi ka isang ganap na “actor”
Dahil ang tunay na actor ay may malasakit sa trabaho. Hindi yung pumupunta ka sa set na lasing and god knows kung ano pa tinira ng putanginang yan.
Baron, tangina mo. Hindi ka tao. Mas mababa ka pa sa hayop. Kasi ang hayop hindi iniihian ang kapwa na nangingisi-ngisi pa ng patago. Nag enjoy ka sa ginawa mo!
Nung medyo kalmado nako, nagpadala ako sa ospital dahil napansin kong nabali ang kamay ko. May two projects ako na gagawin this december. Pag kailangan ng surgery, mawawalan ako ng trabaho. Buti na lang yung “boxer’s fracture” ko ay hindi kailangan.
Dapat ang gagawin natin from now on pag tumatanggap ng project, tanungin muna, number one:
KASAMA BA SI BARON GEISLER DITO???
Kay Madame Cory Vidanes na sobrang bait para sa isang top boss to the point na ako nahihiya na kinausap mo ako that one time sa DTE xmas party… Inencourage ko si Baron na kausapin ka pero PLEASE LANG MA’M
Kay sir Jake Tordecillas at mga tiga GMA sorry binigyan ko ang tarantadong to ng benefit of the doubt over that Yasmin Kurdi incident pero PLEASE LANG SIR
Sa mga indie filmmakers na binabasura ng gagong to ang mga set niyo dahil ang tingin niya ay mas mababa ang trabaho niyo dahil maliit ang TF at hindi ito “bread trip” in his own words PLEASE LANG PO
At para sayo putangina ka:
Darating ang lahat nang papunta sayo
Dahil itong 2016 ay ang year of the “change is coming”
Kaya pls lahat ng kasama ko sa industriya pakinggan niyo ang panawagan ko
Dahil pag nangyari yun
Kukuha ako ng popcorn at beer
Na parang nasa sine lang ako